Bakit ko kailangang mag ipon

Bakit ?

    Bakit nga ba kailangang mag ipon ito marahil ang tanong natin, di maitatago sa iba na ang kinabukasan o sa susunod na araw ay hindi iniisip kung may pera pa o wala.... huh at bakit may ganun na tao marahil pag may pera pa iniisip may madudukot pa ganun din sa mga taong may inaasahan ngunit paano kung pagdating ng kagipitan ay walang wala ka ng mahiram o wala na din maipahiram ang mga taong  inaasahan mu  😣.
      
Anu uutang ka sa 5-6 o sa umiikot na pautang na lending hanggang sa mabaon ka sa utang at madamay mu pa ang mga kamag anak mu 🤔.

Marahil tama di ba ... hindi mu ba naisip na mag ipon ?? para saan ... malamang para sa emergency needs at pang puhunan kung gusto mu magtayo ng negosyo ... Sabihin man natin hindi 😏pero the fact na mas gugustuhin mu umutang kesa mag ipon para sa sarili mung  gusto o nais.Dahil sa alam mung alang nakukulong sa utang  nagkakamali ka dahil may tinatawag na kasong stafa ito yung umutang ka tapos tinakasan mu  o di ba sakit sa bangs kesa sa mag iipon ka para sa pang puhunan o pang emergency ala ka pang napeperwisyo , napapaproblemang tao  , o kaya naman kinakukuhanan mu ng sakit ng ulo...

EH PAANO BA MAG IPON🤨
 Kumuha ka ng notebook at ballpen at ilista mu ito at sagutan.;
1. Bakit ko kailangang mag ipon?
2. Bakit mas magandang mag ipon kesa umutang?
3. Bakit kailangan ko din magtabi para sa emegency needs?
4. Bakit kailangan sa sariling ipon ko ang para sa puhunan ko ?

5. Kaya ko ba mag ipon?
6. Paano  ko sisimulan eh ang liit ang kinikita ko ?

NASAGUTAN MU NA BA??🙄


Ngayon alam mu na ang solusyon sabihin ko man o hindi ang sulosyon alam ko na ang main point mu na ay mag ipon dahil mahirap na habang buhay panay ka nalang utang.

So ito na ang step sa pag iipon at example na diskarte..
Handa ka na ba🤩
1. Unahin mung itabi ang savings mu halimbawa nito
sa kinsenas katapusan.

April 15,2020

5000 sahod - 1000 savings =4,000

4,000 - 2000 two week food allowance and grocery =2,000

2,000 - 1,000 load allowance for 1 month  = 1,000


si 1,000 na natira  either sa padala mu  o sa other expense mu ... for sure naman diyan sa load sobra pa siguru yan ang sobra nyan idagdag mu na sa saving mu

April 30,2020

5,000 sahod - 2,800 bed space=2,300
2,300 - 2,000 = 300

si 300 other expense mu meaning sa isang buwan may 1,000 saving ka not bad para sa pagsisimula mu o kung nabibigatan ka sa pag save pwede ka muna magsimula sa 500 a month ang mahalaga nakakatabi ka ng pera 1,000 sa isang taon ay may ipon kang 12,000 at ang 500 sa isang taon ay 6,000.. Paano pag napraktis mu mag ipon o e di may pera ka na para sa puhunan at saving pwede mu na paikotin ang pera mu at palaguin ....
Pakatandaan na keep always praying at be thankful sa blessings ni God malaki man o maliit na blessings amg dumarating sa iyo.

I HOPE NA MAKATULONG ITO PARA MABIGYAN NG IDEA ANG BAWAT TAONG GUSTO MAGSIMULA NG BUHAY TANDAAN KUNG HINDI NGAYON KELAN PA SIISIMULAN..
Simulan nang mag ipon kahit barya barya man ito darating ang araw lalaki rin ito at dadami ang mahalaga may disiplina sa paghawak ng pera at pangarap sa buhay...




Comments

Popular Posts